Happy ‘Kainang Pamilya Mahalaga’ Day, QCitizens!
Alinsunod sa Proclamation No. 326 S-2012, ipinagdiriwang tuwing ikaapat na Lunes ng Setyembre kada taon ang ‘Kainang Pamilya Mahalaga’ Day na layong bigyang-diin ang kahalagahan ng pagsasalo-salo ng pamilya sa hapag-kainan.
Sa QC, mahalaga na sama-samang kumakain ang pamilya upang pagtibayin ang kanilang ugnayan at pagmamahalan sa isa’t isa.
Inanunsyo naman ng Malakanyang, sa bisa ng Memorandum Circular No. 136 S-2026, na suspendido ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at State Universities & Colleges simula 1:00 PM ngayong araw, Setyembre 28, 2026 bilang pakikiisa sa ‘Kainang Pamilya Mahalaga’ Day. Basahin ang Memorandum Circular No. 136 S-2026 dito: https://www.facebook.com/govph/posts/1377003897925917






