Agad umalalay ang mga ahensya ng lokal na pamahalaan gaya ng SSDD, District Office at DPOS para sa mga pangangailangan ng mga nasunugan sa Kaingin Bukid Gitna Brgy. Apolonio Samson.

Bukod sa kanilang sisilungan at pagkain, umagapay din ang Quezon City Health Department (QCHD) sa mga residente.

Nabigyan ng agarang lunas ang mga nagtamo ng pinsala habang nakatanggap naman ng medical assistance, mental at psychosocial support ang iba pang biktima na kasalukuyang nananatili sa Masambong Community Center.

Nakipag-ugnayan naman ang QCHD sa barangay upang magkaroon ng breastfeeding at isolation area para sa mga bata, ina at buntis na evacuees.

Maraming salamat sa ating QCHD medical team na binubuo ni Dr. Hanniel Aberin at community health workers na sina Maricar Gajudo, Daisy Petina at Jasmin Medina.

+4