KAMUNING NIGHT MARKET, BUKAS NA!
Patok agad sa QCitizens ang muling pagbubukas ng Kamuning Night Market!
Matitikman dito ang mga unique na pagkain ng small businesses mula sa Barangay Kamuning.
Mayroong street food, fruit shake and drinks, rice meals, grilled and fried snacks, takoyaki, pizza, pasta, ice cream, milk tea at kape.
May mga damit at accessories pa na pwedeng panregalo.
Bukas ito ng 6:00 PM hanggang 12:00 MN, tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo. Magtatagal ang night market sa buong buwan ng Disyembre.
Matatagpuan ang night market sa T. Gener St. Cor. K5th (Market Side), Brgy. Kamuning, Quezon City.




