Tara na sa Kamuning Market! ![]()
Opisyal nang nagbukas ang Tailors & Textile Expo and Food Bazaar sa New Kamuning Market Building sa pangunguna ng Quezon City Market Development and Administration Department (MDAD).
Tampok dito ang 16 textile stalls na nag-aalok ng lokal na tailoring products at 14 food bazaar stalls na nagtitinda ng iba’t ibang pagkain.
Nakiisa sa pagbubukas ng bazaar sina 4th District Representative Bong Suntay, Kamuning Market Master Oliver Lasco, Public Market Division Head Elvie Espina, Market Federation President Liwayway Forte, kasama ang mga Punong Barangay na sina Armie Castel ng Kamuning, Alex Lapore ng Paligsahan, Florida Casaje ng Damayan, Jose Segundo ng Obrero, at Floride Casaje ng Damayan.
Bukas sa publiko ang Tailors & Textile Expo mula October 12–31, 8:00 AM hanggang 10:00 PM, habang ang Food Bazaar ay bukas naman mula 3:00 PM hanggang 10:00 PM.










