Bukas na ang Karabella Cafe sa 5th floor ng The Block sa SM City North EDSA!

Matitikman sa Karabella Cafe ang 20 Filipino-inspired gelato flavors na gawa sa 100 percent carabao milk.

Ang Karabella Dairy, na nagsimula sa Quezon City, ay isang social enterprise na nag-ooffer ng iba-ibang dairy products mula sa mga produce ng local farmers.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng suporta ng lokal na pamahalaan sa pag-usbong ng mga negosyo sa lungsod tulad ng Karabella.

Nakiisa ang alkalde sa pormal na pagbubukas ng cafe ngayong araw, kasama ang mga owner nito na sina Mr. Alfred Ng, Ms Jan Buenaflor, at Mr. EJ Buenaflor.

+17