FEB-IBIG IS IN THE AIR IN QC!
Pinatunayan ng 179 QCitizen couples ang kanilang wagas na pag-iibigan sa naganap na Kasalang Bayan 2024 na handog ni Mayor Joy Belmonte para sa mga taga-Distrito 1.
Tumayong marriage officiant si Mayor Joy sa pag-iisang dibdib ng mga QCitizens sa garden wedding sa Quezon City Experience (QCX) Museum.
Nagsilbing mga bagong ninong at ninang ng mga ikinasal ang alkalde kasama sina Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, Coun. Joseph Juico, Coun. Bernard Herrera, Coun. Charm Ferrer, SK Federation President Coun. Sam Neri, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, at City Civil Registry Department head Jun Cariño.