SA QC, MAY FOREVER! ![]()
![]()
![]()
![]()
Matamis na pag-iibigan ang ipinamalas ng 242 magsing-irog mula sa Distrito 1 at 4 na nag-isang dibdib sa Kasalang Bayan 2026 na handog ni Mayor Joy Belmonte.
Para sa Alkalde, napakahalagang obligasyon ng bawat mag-asawa ang alagaan ang kanilang kabiyak, maging tapat sa bawat isa, at panindigan ang kanilang pagsasama sa hirap at ginhawa.
Dumalo bilang mga ninong at ninang ng mga newlyweds sina Vice Mayor Gian Sotto, District 4 Rep. Bong Suntay, District Action Officers Ollie Belmonte at Atty. Zandy Zacate, at City Civil Registry Department head Jun Cariño, Jr.
Kasama rin sa seremonya ang mga konsehal mula sa Districts 1 at 4 na sina Councilors Atty. Vincent Belmonte Jr., Doray Delarmente, TJ Calalay, Charm Ferrer, Nikki Crisologo, Joseph Juico, Bernard Herrera, Atty. Migs Suntay, Imee Rillo, Nanette Daza, Egay Yap, Raquel Malañgen, at Mari Rodriguez.








