Mabuhay ang mga bagong kasal! ![]()
![]()
![]()
![]()
![]()
Ngayong buwan ng pag-ibig, 247 couples mula District 2 ang nagpatunay sa kanilang wagas na pagmamahalan sa Kasalang Bayan 2026.
Bilang solemnizing officer, pinagtibay ni Mayor Joy Belmonte ang kanilang pagsasama, sa wedding ceremony na ginanap sa QC M.I.C.E. center.
Sa kanyang mensahe, hinimok ng alkalde ang mga bagong kasal na pagtibayin pa ang kanilang pagsasama, at magsilbing kaligayahan ng isa’t isa, sa hirap man o ginhawa.
At bilang isa sa kanilang mga regalo, hinarana at pinakilig pa sila ng Queen of Bossa Nova na si Sitti.
Nagsilbi namang mga ninang at ninong sina Vice Mayor Gian Sotto, Majority Floor Leader Coun. Aly Medalla, Coun. Atty. Bong Liban III, Coun. Dave Valmocina, Coun. Mikey Belmonte, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, City Civil Registry Department head Jun Cariño, at Mr. Kimpy Medina.








