SANA ALL MAY FOREVER NA!! 🤵🏻👰🏻❤️💍

Ngayong Feb-Ibig, lalong pinagtibay ni Mayor Joy Belmonte ang pag-iibigan ng 288 magsing-irog mula District 2 at 5 sa Kasalang Bayan 2025.

Sagot ng lokal na pamahalaan ang wedding reception. Nakatanggap din sila ng iba-ibang regalo mula sa kanilang mga ninong at ninang.

Dumalo bilang mga ninang at ninong ng mga ikinasal sina former House Speaker and Mayor Sonny Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, District 2 Rep. Ralph Tulfo, District 5 Rep. PM Vargas, District 2 Councilors Candy Medina, Ally Medalla, Dave Valmocina, Mikey Belmonte, District 2 Action Officer Atty. Bong Teodoro, at former councilor Atty. Bong Liban, District 5 Councilors Joe Visaya, Alfred Vargas, Ram Medalla, Shay Liban, Aiko Melendez, District 5 Action Officer William Bawag, at Mr. Enzo Pineda.

+54