Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
MABUHAY ANG MGA BAGONG KASAL! ![]()
![]()
![]()
Walang kapantay ang tamis ng pagmamahalang ipinamalas ng 56 na magsing-irog sa Kasalang Bayan na handog ni Councilor Atty. Vincent Belmonte Jr. kasabay ng kanyang kaarawan ngayong Biyernes.
Pinagtibay ni Rev. Renato Villareal bilang solemnizing officer ang pag-iisang dibdib ng District 4 couples sa Light of Love Events Place.
Sa wedding reception, nakatanggap ng iba-ibang regalo ang mga ikinasal.
Dumalo din sa mass wedding sina former Councilor Irene Belmonte kasama ang kanyang pamilya at mga barangay councils ng distrito.










