Sa QC, lahat may oportunidad magtrabaho!
Nasa 300 na persons with disability (PWDs) ang bibigyang oportunidad ng lokal na pamahalaan upang makapagtrabaho sa mga departmento sa Quezon City Hall.
Ang programang “Kasama Ka sa Kyusi: Ang Taong May Kapansanan ay May Karapatan at Kakayahan” ay inilunsad ng QC Persons with Disability Affairs Office. Alinsunod ito sa pagsusulong ng lungsod ng inklusibo at pantay na oportunidad para sa mga PWDs.
Sa talumpati ni Mayor Joy Belmonte, binigyang-diin niya ang buong suporta ng QC sa PWDs patikular na ang pagpapalakas pa ng social services ng lungsod at ang inihahandang Inclusivity Summit na hihikayat sa mga business at establishments na kumuha ng PWDs bilang empleyado.