Nagtipon ang 260 QCitizen Kasambahay sa kanilang day-off upang ipagdiwang ang taunang General Assembly ng Kasambahay Program na inorganisa ng Public Employment Service Office sa pangunguna ni PESO Head Rogelio L. Reyes

Dumalo din sa selebrasyon si District 4 Councilor Egay Yap na nagbigay ng mensahe ng pakikiisa sa ating mga natatanging kasambahay.

Nagkaroon din ng Gender and Development Seminar ang GAD Office. Bukod sa pagkain, may libreng masahe, gupit at facial.

Tumanggap pa ang mga kasambahay ng mga regalo mula sa partners ng programa, mga konsehal at kongresista, at grocery packs mula kay Mayor Joy Belmonte.

+30