Pinangunahan ng Public Employment Service Office (PESO), sa pamumuno ni PESO Head Rogelio L. Reyes, katuwang si District 4 Councilor Egay Yap at iba pang partners, ang Pamaskong Handog para sa mga Kasambahay at Pamilya ng mga Child Laborers.
Dumalo ang mahigit 300 QCitizen Kasambahay sa taunang General Assembly kung saan namahagi ng mga regalo mula sa mga partner, mga konsehal, at kongresista.
Kasabay nito, idinaos ang espesyal na pagtitipon para sa 100 pamilya ng mga child laborers. Sa tulong ng Quezon City Tripartite Industrial Peace Council (QC-TIPC) at iba pang partners, nagkaroon ng raffle, palaro, serbisyo, at pamamahagi ng mga pamaskong regalo para sa mga bata.
Lahat ng dumalo ay tumanggap ng pang noche buenang grocery packs mula kay Mayor Joy Belmonte.
Ang parehong programa ay pinangangasiwaan ng QC PESO Special Projects Division, na layong maghatid ng saya at suporta sa mga kasambahay at pamilyang apektado ng child labor.