Nagsagawa ang QC Public Employment Service Office (PESO) ng oryentasyon para sa mga Barangay Officials at Kasambahay Desk Officers patungkol sa pagpapatupad ng RA 13061 o ang Domestic Workers Act sa Lungsod Quezon.

Layon ng Batas Kasambahay na pangalagaan at protektahan ang mga karapatan ng mga domestic workers sa bansa.

Katuwang ng PESO sa programa ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa PESO, nasa 3,000 ang bilang ng domestic workers na nagta-trabaho sa QC.

Dumalo sa programa sina PESO Manager Rogelio Reyes, DILG-QC City Director Emmanuel Borromeo, DOLE-NCR Assistant Regional Director Atty. Jude Trayvilla. Nagsilbi namang mga resource speakers sina Engr. Jeremias Red ng DOLE-QC, at Detherina Basilio ng DILG-QC.

+22