Pormal nang nakipagkasundo ang Quezon City Government sa Social Security System (SSS) para sa implementasyon ng KaSSSangga collect program.
Sa ilalim ng KaSSSangga collect program sa QC Government, magiging miyembro na ng SSS ang mga job order at contractual employees ng pamahalaang lungsod. Magiging kwalipikado na rin ang QC employees sa mga benepisyo at loan programs ng SSS.
Magiging convenient na rin ang paghuhulog sa SSS dahil hindi na kailangan pang pumunta ng mga kawani sa payment centers. Magiging regular na ang remittance nito ng pamahalaang lungsod.
Laking pasasalamat ni Mayor Joy Belmonte sa SSS, sa pangunguna ni SSS President and CEO Rolando Ledesma Macasaet, dahil mas inilapit nito ang kanilang serbisyo sa mahigit 12,000 JO employees ng QC.




