Agad na tumugon at umalalay ang mga kawani ng lokal na pamahalaan sa naganap na road incident kung saan may nahulog na billboard sa linya ng Meralco sa C5 Katipunan malapit sa Ateneo De Manila University kaninang umaga.
Tulong-tulong ang Metropolitan Manila Development Authority, Meralco, Traffic and Transport Management Department, Department of Public Order and Safety, QC Police District upang matiyak ang kaligtasan ng mga dumadaan sa kahabaan ng Katipunan.




