Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Kaya Founders Annual LP Summit sa Silverlens Galleries sa Makati.
Ibinahagi ni Mayor Joy ang best practices ng Pamahalaang Lungsod sa paggamit ng teknolohiya upang isulong ang mabuting pamamahala at inklusibong paglago ng ekonomiya.
Kabilang sa tinalakay ng alkalde ang iba-ibang digital processes ng Pamahalaang Lungsod gaya ng Digital Document Procurement, QC Build Easy, Infrastructure Project Management System (IPMS), at online permits application & payments sa pamamagitan ng QC E-Services Website.
Layon ng mga programang ito na mapanatili ang good governance at zero corruption policies ng QC Government upang patatagin ang tiwala ng mga negosyante at investors na mamuhunan sa lungsod.










