Ibinahagi ng Quezon City Government ang iba-ibang digitalization efforts ng lungsod sa mga Mayor na kasali sa Leaders for Participatory Governance (LeadGov) Mayors’ Fellowship Program ng Kaya Natin! Movement.

Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga alkalde. Ipinaliwanag niya na digitalization ang isa sa mga naging susi para tuldukan ang korapsyon, at maisaayos ang sistema ng lokal na pamahalaan.

Ito rin ay bahagi ng pagsusulong ng good governance advocacy ng lungsod.

Tinalakay naman nina Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia at City Assessor Atty. Sherry Gonzalvo ang automated system sa kanilang opisina.

Kabilang sa mga Mayor na bumisita sa lungsod sina Hon. Divina Fontanilla ng Bacnotan, La Union, Hon. Renato Cabael ng Motiong, Samar, Hon. Eunice Babalcon ng Paranas, Samar, Hon. Orlan Calayag ng Dolores, Quezon, Hon. Webster Letargo ng Gumaca, Quezon, Hon. Vicente Jaen II ng Leganes, Iloilo, at Hon. Jose Arturo Suan ng Allen, Northern Samar.

+11