Bilang tugon sa pag-aaral ng mga blind learners, nai-turn over na ng Lungsod Quezon ang 14 units ng electronic braille devices at braille labeler sa Batino Elementary School at Quirino High School ngayong araw.

Ang QC ang kauna-unahang lungsod sa bansa na magpa-pilot test ng Japan-made Next Touch 40 Braille Machine para sa mga blind learners. Nagbigay din ng oryentasyon ang KGS Philippines kung paano gagamitin ang mga devices.

Personal itong dinaluhan ni Mayor Joy Belmonte kasama sina Persons with Disability Affairs Office head Debbie Dacanay, Batino ES Principal Jaida Malonzo, Quirino High School Principal Remedios Danao, Philippine Blind Union VP Victor Rescober, at Barangay Amihan P/B Elenita Chavez.

+24