Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Katuwang ang Khan Academy Philippines at Schools Division Office, sinuportahan ng lungsod ang paglulunsad ng training para sa 476 guro mula sa 158 pampublikong paaralan. Ginanap ang pagsasanay noong Nobyembre 9 at 10. Layon nitong tiyakin ang maayos na implementasyon ng Khan Academy program sa Quezon City.
Ang Khan Academy ay isang libreng online platform para sa pag-aaral na tumutulong sa mga estudyante, guro, at magulang. Mayroon itong video lessons, interactive na aktibidad, at personalized tools na madaling gamitin para matuto ng iba-ibang asignatura tulad ng Math, Science, at iba pa.








