Bukas na ang Kilo/s Kyusi: Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan Charity Bazaar tampok ang mga pre-loved items at ibang brand new merchandise.
Layon ng bazaar na makalikom ng pondo na mapupunta sa QC Learning Recovery Fund. Magiging pantustos ito sa mga proyekto gaya ng tutoring program sa mga pampublikong paaralan bilang tugon sa learning loss.
Ang mga presyo ng items ay ibabase sa kabuuang timbang nito (by Kilo). Ang mga items naman na halos hindi nagamit o hindi pa nagagamit ay may individual price.
Nanguna sa pagbubukas ng bazaar sina Mayor Joy Belmonte, Vice Mayor Gian Sotto, Coun. Aly Medalla at iba pang konsehal, Ms. Mona Celine Yap ng Small Business and Cooperatives Development Promotions Office, Ms. Carleen Sedilla ng Schools Division Office, at Ms. Maricris Veloso ng Education Affairs Unit.
Maaaring bisitahin ang Kilo/s Kyusi mula July 17 hanggang 21, 8 AM – 6 PM sa QC Hall Lobby. Kita-kits mga QCitizen!