Pormal nang binuksan ang permanent store ng Kilo/s Kyusi Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan sa QC!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang pagbubukas ng Kilo/s Kyusi Store, isang fund raising project para sa QC Learning Recovery Trust Fund na layong suportahan ang Zero Illiteracy Program ng lungsod.
Isinusulong din ng proyekto ang pag-iwas sa ‘fast fashion’ upang mabawasan ang textile waste sa mga landfill.
Tampok sa store ang mga donasyon na pre-loved items tulad ng damit, sapatos, accessories at marami pang iba.
Nakiisa sa ribbon cutting ceremony sina Vice Mayor Gian Sotto, Department of Environment and Natural Resources (DENR) Supervising Undersecretary Marilou Erni, Undersecretary Jonas Leones, QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head Ms. Mona Celine Yap, Schools Division Superintendent Ms. Carleen Sedilla, mga konsehal, at department heads.
Iniimbitahan ang lahat na bisitahin at tangkilikin ang Kilo/s Kyusi Store na matatagpuan sa QC Hall Lagoon Area mula April 22, 8 AM to 6 PM.
Maaari din mag-donate ng pre-loved items sa Kilo/s Store ang mga QCitizens, makipag-ugnayan lamang sa QC Hotline 122 o sa tanggapan ng QC SBCDPO para sa iba pang mahahalagang impormasyon.