Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakiisa ang mga QCitizen sa isang masayang cultural activity kung saan natutunan nila kung paano gumawa ng tradisyunal na kimchi, isang kilalang putahe mula sa South Korea.
Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang mga kinatawan ng Chuncheon Full Gospel Church, kabilang sina Rev. Lee Soo-hyung ng Full Gospel Chuncheon Church sa South Korea at Chairman Choi Sang-gu.
Bilang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng lungsod, nagbigay rin ng Certificate of Appreciation ang Chuncheon Full Gospel Church kay Mayor Joy.
Kasama rin sa programa si QC Tourism Department OIC Giana Aira Barata, na patuloy na sumusuporta sa mga aktibidad na nagtataguyod ng cultural at people-to-people exchanges sa Quezon City.








