Dumalo si Mayor Joy Belmonte sa paglulunsad ng Klaus Hoffarth Center for Critical Thinking (KHC) sa Miriam College kahapon.
Inihayag ng Alkalde ang mga programa ng lokal na pamahalaan na nakatutok sa education sector, na layong mabigyan ng de-kalidad na edukasyon ang bawat kabataang QCitizen.
Layunin ng KHC na turuan ang susunod na henerasyon ng mga Pilipino na laging makibahagi, maging responsable, at gumawa ng mga angkop na desisyon patungkol sa mga isyung may kinalaman sa komunidad at bansa.
Ipinangalan sa late economist na si Klaus Hoffarth ang center at mayroon din itong library na pagdarausan ng iba-ibang aktibidad ng eskwelahan.
Kasama sa programa sina Miriam College President Grace Flores-Favila, DepEd Usec. Dr. Ronald Mendoza, Dr. Victoria Bantug Hoffarth, Paul Hoffarth, Gerry Van der Linden, TESDA Secretary Kiko Benitez, Congressman Javi Benitez, at mga miyembro KHC Advisory Council.








