Nakiisa si City Administrator Michael Alimurung sa ginanap na KMPG Innovation Summit 2023 bilang keynote speaker at kinatawan ni Mayor Joy Belmonte. Tinalakay niya ang iba-ibang digitalization efforts ng pamahalaang lungsod sa ilang mga proseso upang mapabilis ang serbisyo sa QCitizens.
Naging bahagi rin ng summit ang iba pang government agency at private partners ng KPMG upang talakayin ang Digital Government at Smart Cities initiatives ng pamahalaan.
Maraming salamat sa KPMG sa pag-imbita sa summit sa pangunguna ni Chairman and CEO Sharon Dayoan.