Sinuportahan ng Lungsod Quezon ang mga programa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa ginanap na Press Conference bilang paghahanda sa selebrasyon ng Buwan ng Wika ngayong Taon.
Pinangunahan ang Press Conference ng Tagapangulo ng KWF na si Kgg. Arthur P. Casanova, KWF Komisyoner Kgg. Benjamin M. Mendillo at Kgg. Carmelita C. Abdurahman.
Bilang kinatawan ni Mayor Joy Belmonte, ipinahayag ni QC Tourism Department OIC Ms. Tetta Tirona ang pagsuporta sa pagtataguyod at pagsusulong ng paggamit ng wikang Filipino at ng iba pang wika at diyalekto sa bansa.
Isasagawa ang pagbubukas ng Buwan ng Wika ngayong darating na Agosto 1 sa Quezon Memorial Shrine kasabay ng pang-79 na anibersaryo ng kamatayan ni dating Presidente Manuel Luís Quezon.




