Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagsilbing keynote speaker si Mayor Joy Belmonte sa ginanap na Konrad-Adenauer-Stiftung (KAS) Solutions Conference sa Pasay City.
Sa kanyang talumpati, ibinahagi ni Mayor Joy ang mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang matiyak na abot-kamay, accessible, at nararamdaman ng bawat QCitizen ang mga serbisyo at programa ng lungsod.
Binigyang-diin din ng alkalde ang kahalagahan ng patuloy na pagsusuri at pagpapaigting sa mga programang ito para masigurong epektibo at tunay na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga residente.
Ang KAS Solutions Conference ay dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng iba-ibang opisina at ahensya ng pamahalaan.










