Dumalo ngayong araw ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Koronadal City, South Cotabato sa benchmarking activity sa Quezon City Hall.
Ibinahagi ng Department of Building Official (DBO) at Zoning Administration Unit (ZAU) ang kanilang best practices, lalo na sa digitalization at automation ng mga proseso upang mapadali ang pagkuha ng construction permits at pagbibigay ng locational clearances sa aplikasyon ng business at building permits.
Ipinakilala naman ng Quezon City Information Technology Development Department (ITDD) ang iba-ibang smart online public at internal systems nito.
Nakiisa sa benchmarking activity sina Assistant Building Official for Administration Engr. Kenedy Diokno, ITDD Asst. Head Paul Rene Padilla, Engr. Marlon Mariano ng ZAU, at iba pang kawani ng lokal na pamahalaan.








