BAWAL ANG PLASTIC SA QC!
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang report launch ng Kuha sa Tingi program ng lokal na pamahalaan katuwang ang Greenpeace Philippines at RIPPLEx ngayong araw.
Ibinalita ng alkalde na aabot na sa 1,072 store ang kasalukuyang tumatangkilik sa Kuha sa Tingi project sa lungsod. Target ng lokal na pamahalaan na palawigin ito sa 5,000 hanggang 6,000 ngayong taon.
Layon nito na mabawasan ang paggamit ng mga single-use products at sachets sa mga sari-sari stores sa QC.
Inumpisahan na rin ito sa iba pang mga syudad sa Metro Manila tulad ng San Juan City at Pasig City.
Dumalo rin sina Greenpeace Ph Country Director Lea Guerrero, Greenpeace Ph Zero-Waste Campaigner Marian Ledesma, QC Climate Change and Environmental Sustainability Department head Andrea Villaroman, at RIPPLEx CEO Ces Rondario, at San Juan City Tourism and Cultural Affairs Office OIC Brian Geli.




