Sinimulan na ng Quezon City Government at RIPPLEx ang roll-out ng Kuha sa Tingi program sa mga barangay, na magbibigay ng abot-kaya at sustainable na alternatibo sa mga produktong nabibili nang naka-sachet o single-use plastic.

Sa loob ng isang araw, mahigit 300 QCitizen sari-sari store owners mula Districts 1 and 2 ang nabigyan ng libreng starter kit na mayroong tig-4 litro na fabric softener, dishwashing liquid, multipurpose cleaner, at liquid detergent.

Sa ilalim ng programa, ang 30ML na liquid detergent ay mabibili lang ng 4 pesos, kumpara sa 13 pesos na naka-sachet.

Layon ng Kuha sa Tingi na mahikayat pa ang QCitizens at mga tindahan na tangkilin ang zero-waste products upang matugunan ang lumalalang plastic pollution.

+22