Muling nagsagawa ng Kuha sa Tingi orientation ang Quezon City Government sa pakikipagtulungan ng RIPPLEx kasama ang mga sari-sari store owners mula sa District 3.
Layon nito na magbigay ng abot-kaya at sustainable na alternatibo sa mga produktong gumagamit ng single-use sachets tulad ng fabric softener, dishwashing liquid, multipurpose cleaner, at liquid detergent.
Binigyan din ng starter kits ang mga participants kung saan mayroong tig-apat na litro ng mga produkto na maaaring mabenta ng tig-30 ml ang dishwashing liquid at liquid detergent sa halagang ₱4, multi-purpose cleaner sa halagang ₱5, at fabric softener sa halagang ₱5.50.