Congratulations sa lahat ng mga barangay na nagwagi sa ginanap na Kumukutikutitap II: Maningning na Pasko ng Pamilyang Pinoy parol-making contest!

Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbahagi ng mga award kasama sina Mr. Kyle Tan, Executive Director ng Eton Properties, at QC Tourism Department Officer-in-Charge Ms. Maria Teresa A. Tirona.

Nakamit ng Brgy. Bagong Silangan ang 1st place, San Antonio ang 2nd place, at Bagumbayan ang 3rd place.

Kabilang naman sa suprise winners ang Brgy. Pasong Tamo, Brgy. Fairview, Brgy. West Kamias, Brgy. Unang Sigaw, Brgy. Bagumbuhay, Brgy. Commonwealth, Brgy. Pansol, Brgy. Krus na Ligas, at Brgy. Marilag.

Nawa’y maging kasing liwanag ng mga makukulay na parol ang darating na kapaskuhan para sa QCitizens ngayong 2022.