Namahagi ng 1,000 meals ang partner-kitchens ng Maginhawa Food Community para sa ating mga QCitizen na kasalukuyang nasa evacuation centers, dulot ng pag-ulan mula sa Habagat.
Sa pangunguna ng Kusina ng Pag-asa ng Angat Buhay at ASA Philippines, at sa pakikipagtulungan sa Maginhawa Food Community, mabilis na naipaabot ang tulong sa ating mga kababayan.
Maraming salamat sa mga partner establishment na nakiisa sa inisyatibang ito:
– Urban Chick Maginhawa
– Black Betty Diner
– Nori Japanese Fried Chicken
– Goto Believe
– Chop-Chopan Maginhawa
– Wadough’s
– Mrs. Lim Chinese Takeout
– Puesto Modern Mexican Comfort Food
– IKIRU Japanese Kitchen and Cafe
Sa mga nais magpaabot ng tulong sa mga naapektuhan ng habagat, maaaring makipag-ugnayan sa pamunuan ng barangay o sa Social Services Development Department (SSDD) ng Quezon City Government.










