Ang Barangay Batasan Hills ay isa sa anim na mga nagwagi sa Barangay Kontra Gutom 2.0 (Hapag sa Barangay) na programa ng Quezon City Government, Grow QC, Joy of Urban Farming, at Department of Interior and Local Government (DILG).
At isa sa kanilang produkto, ang Mushroom Chicharon.
Sa One Batasan Urban Farm, ang mga tanim na organic mushrooms, pinagkakakitaan na ng ilang mga residente. Patok din ang mga alaga nilang isda gaya ng tilapia at hito na naging posible sa pamamagitan ng Aquaphonics.
Silipin ang kanilang urban farm sa #KwentongQC na ito.