Ang Barangay Greater Lagro ay isa sa mga nagwagi sa Barangay Kontra Gutom 2.0 (Hapag sa Barangay) na programa ng Quezon City Government, Grow QC, Joy of Urban Farming, at Department of Interior and Local Government (DILG).

Napapakinabangan ang lahat ng lupa sa Villa Vienna B Subdivision sa Barangay Greater Lagro. Ang mga bakanteng lote, ipinapahiram ng mga homeowners sa lokal na pamahalaan at sa mga magsasaka upang gawing pocket farms. Panalo naman ang mga nakatira dito dahil bukod sa exempted na sila sa Idle Land Tax, may fresh produce pa silang inaani.

Silipin ang kanilang pocket farms sa #KwentongQC na ito.