Ang Barangay Mangga ang isa sa anim na nagwagi sa Barangay Kontra Gutom 2.0 (Hapag sa Barangay) na programa ng Quezon City Government, Grow QC, Joy of Urban Farming, at Department of Interior and Local Government (DILG).

Walang imposible para sa mga residente ng Barangay Mangga. Ang dati kasing mga abandonadong lote sa kanilang lugar, nagawa nilang pocket farms! Matamis din ang bunga ng kanilang tagumpay sa urban farming dahil bukod sa sariwang gulay na pwedeng anihin, natuto na ring magtanim sa sarili nilang bakuran ang mga magkaka-barangay.

Silipin ang kanilang pocket farms sa #KwentongQC na ito.