Ang Barangay Phil-am ang isa sa nagwagi sa Barangay Kontra Gutom 2.0 (Hapag sa Barangay) na programa ng Quezon City Government, Grow QC, Joy of Urban Farming, at Department of Interior and Local Government (DILG).
Para sa mga residente, urban farming is life dahil hitik sa bunga ang kanilang mga tanim gaya ng dragon fruit, papaya, at saging. May alaga rin silang mga manok at bibe na siyang pinagkukunan nila ng karne at itlog na maalat. Bida rin ang kanilang sustainable na pamamaraan ng pag-compost gamit ang mga tuyong dahon at kitchen waste mula mismo sa mga homeowners.
Silipin ang kanilang modernong eco centre sa #KwentongQC na ito: