Ang Barangay Talipapa ang itinanghal na Overall City Wide winner sa Barangay Kontra Gutom 2.0 (Hapag sa Barangay) na programa ng Quezon City Government, Grow QC, Joy of Urban Farming, at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Circular Economy ang sagot ng Barangay Talipapa sa kagutuman at krisis sa basura sa kanilang komunidad. Ang mga paso at lupa na ginagamit nila sa pagtatanim, nagmula sa mga recycled materials at market waste. Organic rin ang pamamaraan ng kanilang pagco-compost na ginagamitan ng bulate o ang tinatawag na vermicomposting.
Alamin ang iba pang best practices sa kanilang urban farm sa #KwentongQC na ito.