Sa QC, mahalaga ang karapatan ng bawat QCitizens kahit sila ay kabilang pa sa Persons Deprived of Liberty (PDLs). Bilang tugon sa siksikan at congestion sa mga jail facilities, ibinigay ng Quezon City Government sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang pamamahala sa 2.4-hectare na bagong tayong Quezon City Jail sa Payatas Rd., Barangay Bagong Silangan.
Ang bagong City Jail ay inaasahang magpapaluwag sa kasalukuyang jail facility sa QC. Alamin ang iba pang detalye dito sa ating Kwentong QC Shorts.