Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Sa Quezon City, pet-friendly ang QCitizens. Kahit hindi nila pagmamay-ari, kinakalinga pa rin.
Tulad ni Cherrie Lyn Arcio, o mas kilala bilang Stray Feeder by Heart. Malayo pa lamang siya, tuwang-tuwa nang sinasalubong ng mga aso’t pusa dahil alam nila ang biyayang paparating. Share your blessings, ika nga.
Umaraw man o umulan, patuloy ang kaniyang pag-iikot para sa ating furry friends lalo na sa mga alagang palaboy.
Paano nga ba nagsimula si Cherrie Lyn Arcio bilang Stray Feeder by Heart?
Panoorin ang Kwentong QC: Stray Feeder by Heart na ito.





