Episode 4:
Napakinabangan ng 30 magsasaka ang nakatingwang na lupa sa isang subdibisyon, dahil bukas-palad silang tinanggap ng homeowners. Nakalibre naman sa buwis ang subdibisyon, sa ilalim ng ordinansa ng city council na idle land tax exemption dahil ginamit ang lupa sa urban farming. Ang urban farming ay bahagi ng 14-point agenda ni Mayor Joy Belmonte.
Narito ang #KwentongQC ng mga magsasaka sa Villa Vienna.