Wow!
Iyan ang laging unang reaksyon ng mga bumibisita sa Wow Toy Museum. Mula sa toys with historical value, shining, shimmering collections, hanggang sa moving toys na inayos at ginawa ng museum owner na si Jimmy Madarang, talagang nakakamangha ang bawat pagbisita dito.
Para kay Jimmy, ang mga laruan ay imitation of life, kaya marami kang matututunan sa simpleng paglalaro nito.
Binuksan niya ang museum para maipakita ang historical, cultural, at emotional value ng mga laruan sa kabataan, at sa adults na young-at-heart.
Handa ka na bang mapa-wow sa mga toy collection ng Wow Toy Museum?
Samahan niyo kami sa Kwentong QC: Wow Toy Museum na ito.