Mula sa mga munting negosyo, magiging ready to click the yellow basket na ang mga produkto ng mga Persons With Disabilities (PWDs) at kanilang mga pamilya!
Sa tulong ng QC Persons With Disability Affairs Office at Autism Society of the Philippines, sumailalim ang PWDs, families, at allies sa “Sumakses Sagabal-Free” Tiktok Shop Basics kung saan tinuruan sila kung paano magkaroon ng online shop gamit ang TikTok platform.
Nagkaroon din ng booths mula sa TikTok, Business Permits and Licensing Department, DTI, BIR, at iba pa para magbigay ng dagdag tulong sa mga nais magsimula ng kanilang online businesses.
Dahil sa Quezon City,
Walang iwanan para lahat tayo, sumakses!