Pet-friendly na ang PCDF Park!
Sugod na fur-parents at isama ang inyong fur babies sa bagong bukas na Payatas Controlled Disposal Facility (PCDF) dog park!
Idinaos ng Quezon City Veterinary Department ang “Kyusi Dog Talent” kung saan ipinamalas ng rescued dogs ang iba-ibang exhibitions. Ilan rin sa dogs na ito ay na i-turn over na sa Task Force Disiplina upang maging Community Service Animals.
Bukod pa sa free dog basic obedience training para sa mga dumalo, nagkaroon din ng serbisyong medikal para sa kanilang mga alaga tulad ng anti-rabies vaccination, deworming, microchipping, at consultation.
Ngayong buwan binuksan sa publiko ang PCDF Bike park na may apat na ruta na may asphalt at gravel roads. Maari na rin itong magamit sa iba pang mga recreational activities tulad ng jogging, walking, at zumba.
Present sa event sina Assistant City Administrator for Operations Alberto Kimpo, City Veterinary Department head Ana Maria Cabel, City Pound Division OIC Esmeralda Encarnado, Coach Don Castillo, at Quezon City Police District – District Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit OIC Capt. David Gundayao Jr.