Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
QC TRAVEL EXPO, BUKAS NA! ![]()
![]()
![]()
Opisyal nang binuksan sa publiko ang Kyusi More to Explore Travel Expo 2026 na pinangasiwaan ng Quezon City Travel Agencies Association (QCTAA) sa Quantum Skyview ng Gateway 2 Mall sa Araneta Cubao kahapon.
Dumalo si Mayor Joy Belmonte kasama sina Israeli Ambassador Dana Kursh, QC Tourism Department head Giana Barata, QCTAA President Katherine Portugal, VP Bayani Medina, at Department of Tourism Regional Director Catherine Agustin.
Tampok sa 3-day travel expo ang iba-ibang travel agencies na nag-aalok ng abot-kayang flight and tour packages, discounted rates para sa hotel at resorts, theme park deals, at marami pang iba.
Habol na QCitizens sa Gateway 2, dahil magtatagal ang expo hanggang sa Linggo, August 16, 2026.










