Naging makulay ang pormal na pagbubukas ng Kyusi Nights: Kaunlaran Holiday Market tampok ang iba-ibang pagkain at produkto sa Barangay Kaunlaran sa Quezon City na maaaring bisitahin ng QCitizens.
Bahagi ito ng inisyatiba ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office para suportahan ang maliliit na negosyo at bigyan sila ng platapormang maipakita ang kanilang mga produkto.
Dinaluhan ang pagbubukas ni Coun. Vincent Belmonte at iba pang kinatawan ng pamahalaang lungsod.
Bukas ito simula December 8, 2025 hanggang December 31, 2025, 3:00 PM hanggang 11:00 PM sa 20 Mayor Ignacio Diaz Street, Barangay Kaunlaran, Quezon City.








