QCitizens, tara na’t mag-foodtrip at magsaya sa Kyusi Nights: Kaunlaran Night Market!
Tiyak na mapapawi ang inyong cravings sa fried noodles, mga street food, at pastries dahil lahat ng ‘yan ay matitikman sa Night Bazaar.
Pwede ring mag-picture with your loved ones sa higateng christmas tree, at mamili ng mga damit at pang regalo ngayong pasko.
Ngayong gabi, opisyal na binuksan ni Mayor Joy Belmonte night bazaar, kasama sina Coun. Irene Belmonte, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, Kaunlaran Punong Barangay Dong Cheng, at Atty. Vincent Belmonte.
Bukas ang Kaunlaran Night Market sa #20 Mayor Ignacio Diaz St. mula Lunes hanggang Biyernes, 4PM hanggang 12MN, at Sabado hanggang Linggo mula 8AM hanggang 12MN.