TUGTUGAN SA DISTRICT ONE!
Dinumog ng mga QCitizens ang ginanap na Kyusiklaban 2022 (Quezon City Music Festival) na pinangasiwaan ng tanggapan ni District 1 Congressman Arjo Atayde. Bahagi ito ng kampanyang maging sentro ng sining at musika ang Lungsod Quezon, at ginanap sa kahabaan ng makasaysayang FPJ Avenue (dating Roosevelt Avenue).
Ayon sa mga organizer ng libreng music festival, humigit-kumulang 19,000 ang dumalo sa event. Aktibong sumuporta sa festival sina Majority Floor Leader Coun. Doray Delarmente, Coun. Bernard Herrera, Coun. TJ Calalay, Coun. Joseph Juico, at Coun. Charm Ferrer.
Tumugtog doon ang mga banda nina Kean Cipriano, Juan Karlos, Rivermaya, JP Bacallan, Pricetagg, Nik Makino, Issa Loki, Hydro Project, Bugoy Drilon, at DJ Carla Cray.