La Loma, No. 1 Lechon Capital!
Dinagsa ng mga QCitizen ang muling pagdiriwang ng La Loma Lechon Festival makalipas ang tatlong taon!
Layon ng festival na lalo pang mapayabong ang local tourism sa lugar.
Ipinagdiriwang din ang kapistahan ng patron ng La Loma na si Nuestra Señora De Salvacion, kaya nagkaroon ng grand procession.
Ipinarada ang nasa 25 na lechon floats na sinuotan at dinesenyuhan ng iba-ibang damit. Gawa ang mga ito ng mga negosyo at iba-ibang grupo mula sa La Loma.
Inabangan naman ang Lechon Reinvention Cook-off sa pagitan ng lechoneros kung saan iba-ibang luto ng lechon ang kanilang ibinida at ipinatikim.
Dumalo kasama ni Mayor Joy Belmonte sina District 1 AO Ollie Belmonte, Councilor Charm Ferrer, Councilor TJ Calalay, Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz, Amoranto Sports Complex AO Martin Manese, City Veterinary Department Head Dr Ana Cabel, City Tourism Department OIC Tetta Tirona, Traffic and Transport Management Department OIC Dexter Cardenas, Public Affairs and Information Services Department Head Engelbert Apostol, Gab Atayde bilang kinatawan ni Cong. Arjo Atayde, Brgy. Paang Bundok P/B Lawrence Tiglao, Brgy. Salvacion P/B Danilo Soriano, Brgy. N.S Amoranto P/B Ato De Guzman, Internal Audit Service head Atty. Noel Gascon, at Market Development and Administration Department Action Officer for Administration Perry Dominguez..
Tignan ang iba pang litrato sa album na ito: