Simula na ng pinakamasarap na selebrasyon sa QC! ![]()
![]()
Unang umarangkada ang Lechon Chopping Ceremony, hudyat ng opisyal na pagsisimula ng kasiyahan. Sinundan ito ng tugtugan mula sa QC Symphonic Band, na lalong nagbigay sigla at enerhiya sa buong lugar.
Meron ding merchants mula La Loma Lechoneros Association (LLA) at Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO), tampok ang food at non-food products.
Kasabay ng selebrasyon, bukas ang QC Service Booths na handang magbigay-serbisyo sa publiko—mula QC ID processing, serbisyong pangkalusugan ng QCHD, at emergency response ng QC DRRMO. Nakaantabay rin ang Maynilad para sa patubig at hydration ng QCitizens.
Pinangunahan ni Vice Mayor Gian Sotto ang pagdiriwang kasama sina Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Ma. Margarita Mejia, SBCDPO Head Mona Celine Marie Yap, QCTD OIC Giana Barata, PLEB Chief Administrative Officer Atty. Terence Cosare, LLA President at Barangay Paang Bundok P/B William Chua Maca, at iba pang department heads at city officials.
Marami pang kaabang-abang na surpresa ang naghihintay kaya kita kits mamaya!









